Sunday, January 25, 2009

Chapter three, part 1

Candy Chan

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kahapon at nagawa kong halikan si Mart. Para kasi akong na- hypnotize. Para akong lasing na hindi na ininda ang kaba ko, feeling ko at that period of time, wala akong paki sa susunod na mangyayari, pakirandam ko kung iki- kiss ko siya wala naming masamang mangyayari. Feeling ko kami. Feeling ko lang pala. Kakainis. Namalayan ko na lang na ginawa ko pala ang stupidong bagay na iyon noong nakapasok na ako sa aming bahay. Feeling ko may mali akong ginawa pero meron nga!!! OMG! Ang aking best friend ay di ko sinasadyang halikan dahil… dahil… may pagnanasa ba ako sa kanya? Di ko talaga alam. Kaya ang ginawa ko kagabi ay agad kong tinawagan si Mayel at ikinuwento ang mga pangyayari. “What? You kissed him? Wala ka pang nahahalikan di ba? Pwera lang kay Michael na dati mong classmate na accident namang nangyari? Tama? Basta hindi siya counted!” aniya na di makapaniwala. “Sabihin mo nga sa akin nagdru- drugs ka ba? Kasi im possible di mo namalayan eh.” Sinubukan kong isipin kung may nakain o nainom ba ako nang mga panahong iyon. Nakakatakot isipin baka kasi sa susunod ibang tao na ang mahalikan ko.

“Di ko talaga alam Mayel, sa tingin mo ano kaya ang iniisip niya ngayon?”

“Malamang iniisip niya na gusto mo siya.” maikli niyang sagot. Di naman ako nakasagot. Oo nga, iisipin niya na gusto ko siya. Oh my God, what have I done? Bukas kaya papansinin niya pa kaya ako? Baka iwasan niya na ako. “Candy, may gusto ka ba sa kanya?”

“Kanino?” “Kay Mart. Siya lang naman pinaguusapan natin di ba?” May gusto ba ako sa kanya? Kasi guys, sa totoo lang di ko rin sure eh. “Kasi kung wala, malamang sinapian ka lang kahapon ng isang multong may gusto kay Mart.” sabay tawa si Mayel.

“Mayel naman eh! Nakakatakot ka!”

“Okay, ganito na lang. Narandaman mo na hinalikan mo siya di ba? O ano ang feeling?”

“M- Masaya?” at kinikilig gusto kong idagdag. “Uhm Mayel, ano ba ang feeling ng inlove?”

“Di ka pa ba nag kaka- crush?”

“Nagka- crush na din naman ako kaya lang for sure may difference yun di ba?”

“Well, ano nga ba? Malaki ang difference actually, as malalim at mas madugo.” Napataas ang isa kong kilay sa huling salitang binitawan niya. Madugo? Weird.

“Bakit naman madugo?”

“Basta maiintindihan mo din. Di mo maiintindihan kung ikukuwento ko lang siya sayo. Minsan you have to undergo that certain feeling para malaman mo.” Shocking ‘tong si Mayel, ang lalim ng mga kataga.

Naputol ang pagmumuni- muni ko nang marinig ko na may nag doorbell. Sumilip ako sa may bintana at nakitang nakasilip si Mart sa labas ng gate . Nakita niya na naka- polo ito at kahit malayo pa lang mukha na itong mabango. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Naka dark blue na tube dress ako na parang aattend ng JS prom eh. Nakalugay naman ang straight kong buhok at naglagay na din ako ng kaunting night make up. Nagulat nga ako sa kinalabasan ng hitsura ko. Parang hindi ako. Agad ko ng tinungo ang gate na medyo kinakabahan sa kung ano ang magiging treatment sa akin ni Mart. Binuksan ko ang gate at saka ko nakita si Mart ng malapitan. Naka black na polo shirt at naka jeans. Wet and neat look ang buhok ni Mart at di ako nagkamali na mabango nga siya. Di ako agad nakapag salita. Napalunok na lamang ako sa halip na sabihan ang pinaraktis kong speech kagabi. “Shall we?” ani Mart na unlashed ang braso para kapitan ko. Tumango lang ako at saka siya nag tawag ng tricycle.

“Oo nga pala, tungkol sa nangyari kahapon,” panimula ko habang mabilis na humaharurot ang tric. Nakita kong sumilay ang ngito sa kanyang mga labi. Pinagtatawanan niya ba ako? O ano? Di ako marunong mag basa ng mga signs na ganito eh. Bago pa siya nakapag salita napgdesisyunan kong tapusin na ang hinanda kong speech kagabi. “Wag mo na isipin yun, di ko naman kasi sinasadya. Nabigla lang ako kaya nangyari iyon, wala ng ibang dahilan. Kaya sana wag mo na lang yun bigyan ng malisya, alam kong di ako lasing, pero sinisigurado ko sayo na wala ako sa sarili ko nang nangyari yun. Kalimutan mo na lang sana.”

“A- anong sabi mo? Gusto mong kalimutan ko na lang siya? At hindi mo siya sinasadya?” Nakita kong unti unting nawala ang ngiti niya na napalitan ng panghihina. May nasabi ba akong masama? Tumango lang uli ako sa sinabi niya. “S- sigurado ka?” nauutal pa niyang tanong.

“Oo, kung pwede lang sana. Ayoko kasing masira ko ang friendship natin. Hindi tayo talo , tama?” Humugot muna siya ng malalim na hininga at saka nagsalita.

“Kung yan ang gusto mo.”

Mayel Dominguez

Magisa akong pumasok sa school at narandaman ko ang mga mata ng mga tao sa cat walk habang naglalakad ako. Ano kaya ang iniisip nila? Iniiisip ba nila na ang isang Mayel Dominguez ay isang bulaklak sa pader na ngayon. Walang boyfriend. Magisa, Hay, ano ka ba Mayel? Wag mong isipin ang mga iniisip ng mga tao sa paligid mo. Ang isipin mo confident ka at kaya mo pa din dalhin ang sarili mo with or without a man. Nag straight body ako at saka naglakad na feeling isang Hollywood star sa red carpet. Naka pula akong mini dress at naka heels. Nakapusod naman ang long curly hair ko na siyang nagpapakita ng dangling earings ko na hiniram ko pa mula sa aking Mom. Go Mayel! Go! Go! Go! Arghh- Muntikan na akong masubsob kung di ko pa na balance ang sarili ko. “Ano ba? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!” iritable kong saway sa lalakeng nakabunggo ko. Matangkad siya at maputi. Gwapo? Oo at pamilyar siya. Sinubukan kong isipin kung saan ko siya nakita.

“Miss, sorry. My fault. Di ako nakatingin sa daanan eh. Sorry talaga.” Mukha naman siyang sincere kaya pinalampas ko na.

“Okay lang yun, at least di ako nasubsob ng tuluyan.” Teka alam ko na kung sino siya! “Ikaw yung madalas kasama ni Jake di ba?”

“A- ako nga. I’m Rainier and you?”

“Mayel.” maikli kong sagot.

“Ikaw yung ex ni Jake?”

“Paano mo nalaman?” curious kong tanong. Kinukuwento kaya ako ni Jake sa kanya?

“Medyo nabanggit niya kasi sa akin.” sagot ni Rainier. Nabanggit ako ni Jake sa taong ito? Nababanggit niya din kaya ako sa iba pang tao? Naglakad lakad kami ni Rainier papuntang gym kung saan gaganapin ang Aquaintance party. “Meron pa atang program.” aniya nang makita naming nagsasalita ang Director ng Campus sa temporary stage na kitang kita kapag pumasok ka sa gym. Natanaw ko si Jake na kinakausap ang isa sa mga Prof na kung di ako nagkakamali ay kilala na bading. Akala ko nga nakatingin niya sa akin pero naalala ko na medyo Malabo ang mga mata niya at for sure dahil sa di niya suot ang kanyang salamin na sinusuot niya lang kapag may klase, for sure di niya ako nakikita o namumukhaan man lang. May mga taong palakad lakad sa paligid na tila nagihintay ng tunay na program pagkatapos ng speech ng director. Mainit sa loob dahil ata sa dami ng tao. “Tara upo muna tayo sa mga benches na iyon.” agad naman akong sumang ayon.

“Bago ka lang ba dito sa Cavite?” natanong ko.

“Actually oo. All my life nasa Manila ako. Doon na ako lumaki.” sagot niya sa akin at kinuwento niya pa ang ilan sa mga bagay bagay na naninibago siya. May pagka probinsiya din kasi ang Molino. Kahit ako, tulad niya mas gustong tumira sa Manila. Ayos ang takbo ng usapan hanggang sa tinanong niya kung nakapag move on na ba ako kay Jake. Ayoko sagutin ang tanong na iyon dahil hindi ako marunong mag sinungaling. Pero naisip ko wala naman sigurong mawawala sa akin.

“Hindi ko alam. Madalas ko pa ding iniisip paano kung paano kung hanggang ngayon kami pa din? Alam mo yung mga ganoong bagay? Na sana hindi na lang ako nakipag break sa kanya.”

“Ba’t ka nga pala nakipag break sa kanya?”

“Masyado lang akong nasakal sa kanya. Madalas siyang mag selos sa kung sino man ang makakasama ko o kahit sinong taong dumadaan lang! He’s pathetic noong kami pa. Minsan naiisip ko na tama lang naman ang ginawa ko sa kanya, he needs to grow up.”

“Marami pa naming ibang lalake dyan Mayel.” aniya.

"Alam mo Rainier ang sarap mong kausap, parang ang tagal tagal na nating magkakilala.”

Sunday, December 28, 2008

Chapter 2 part 2

Mart Dela Serna

“Bukas, anong oras nga pala tayo magkikita?” tanong sa akin ni Candy. Sabay kaming naglalakad pauwi. Ihahatid ko muna siya sa bahay nila tulad ng dati ko ng ginagawa.

“Hmm, 7 pm magsisimula talaga yung party di ba? 7 na lang tayo pumunta. For sure boring yung program.”


“Sabagay, may point ka. Kakatamd nga yun. Sige 7 na lang tayo pumunta.” pag sangayon naman niya. Tinitingnan ko si Candy habang naglalakad kami. Naisip ko lang, matagal na kaming magkaibigan. At sa totoo lang ay nade- develop na ako sa kanya. Mabait siya at malambing. At hindi lang siya basta simple. There’s something special in her. Nasobrahan ata ang pagkakatitig ko sa kanya at napalalim din ang pagiisip ko dahil muntikan na akong masubsob dahil may lubak sa harap ko. “O dahan- dahan sa paglalakad!” saway ni Candy. Mistula akong nagmukhang tanga sa harap niya.

“Okay lang ako. Don’t worry.”

“Di ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo eh.” natatawang sabi ni Candy.

“To naman, pinagtawanan mo pa ako.” kunyaring nagtatampo kong tugon. Tinapik niya ako sa balikat. Napansin niya kaya na kanina pa ako nakatitig sa kanya?

“Joke lang naman Mart. Uhm, ano kaya ang susuutin ko bukas?”

“Kahit naman ano.” sagot ko.

“Kahit ano? Ibig sabihin kahit mag suot ako ng duster bukas okay lang?”

“Di no! I mean bagay naman sayo kahit anong isuot mo.”

“Talaga?” napangiti niyang tanong.

“Oo naman.” Napahinto kami sa paglalakad at napatinign sa isa’t isa. Nagkatitigan. Ano ba ang dapat kong gawin? Gusto ko siyang halikan pero bakit di ako makagalaw. Di ko alam kung paano. Paano nga ba? Wala pa akong nahahalikan na kahit sinong babae eh. Naman, naman naman! Paano nga yung sa mga pinapanood ko? Bakit ba kasi di ako masyadong nakatingin sa tuwing nanonood kami ni Joe ng… hay! Baka naman sampalin niya ako pag ginawa ko yun? O di naman kaya di na niya ako kausapin nun.. Maya- maya bigla na lang siya natawa.

“Ano?” aniya.

“W-wala. Tara uwi na tayo.” natawa siya lalo sa inasal ko.

“Akala ko naman kung ano. Napakamadrama mo talaga Mart.” Okay, nice Mart! Strike 2! Bakit ba napapadalas ang pagmumukha kong tanga sa harap ni Candy? Di ko na talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. Should I tell her or what? Natatakot din kasi ako. Baka masira ang friendship namin. Baka pagkatapos kong sabihin sa kanya, baka di na niya ako kausapin at iwasan na niya ako. Bala magkailangan na kami. Pero baka lang naman yun. Baka naman kasi kabaligtaran ang mangyari. Tulad ng mga napapanood ko sa tv, baka matagal na din may gusto sa akin si Candy at hinihintay niya lang akong magtapat sa kanya. Paano ko ba malalaman? I don’t even have a clue. Right, I need a sign. Sign na magsasabing gusto din ako ni Candy. Nakarating din kami sa bahay nila. “So kita na lang tayo bukas.”

“Oo ba.” sagot niya. Ngumiti siya sa akin and before I knew it, she leaned on me and kiss me. On my right cheek. Her lips touches my skin na para bang masusunog sa ginawa niya. Narandaman ko mismo ang mga labi niya and here I am, speechless.

“Good night.” Tumalikod siya at saka binuksan ang gate nila. Pumasok siya doon without looking back. At naiwan ako sa labas ng bahay nila. She never kissed me before. I was never been kiss before pwera lang ng Mom ko at kapatid ko but that doesn’t count. Does it? Naman, and ayun ako di man lang nakapag salita hanggang sa nakapasok siya sa loob ng bahay nila. Strike 3! I’m just so stupid! Napangiti ako at nagsimulang maglakad pauwi. Maybe, this is the sign I’m waiting for. Right. And tomorrow’s gonna be my day.

Rio Del Grande

Sa wakas at natapos na din ang session ko with Mia. Grabe, halos dalawang oras din akong nasa library at nakikipag usap kay Mia kanina. Tungkol sa project na ideal house. Nahirapan kami na pagplanuhan ang magiging structure nun dahil halata naman atang magkaiba kami ng ideas ni Mia. Sabi ko dapat ala- castle, yung old times! Pero masyadong niyang ipinilit yung gusto niyang simpleng bahay na may terrace and all. Sa huli ay nagkasundo din kami na ang sa kanyang idea ang susundin. Nakakainis tuloy. Sana nag sarili na lang ako. Napaka- persistent niya. No wonder. Siya yung tipo na aral muna bago lahat. “Ano ka ba? Masyado kang nagaaral niyan ah. School lang ba ang mundo mo?” tanong ko sa kanya kanina.


“Tama ka, eto ang lang ang mundo ko. Bahay school lang ako. Kailangan mag focus para sa future.” tugon niya naman.


“Di ka ba nabo- bored?”


“Nope.”


“Alam mo naman ata na pwede ka pa din mag enjoy habang nagaaral ka. Wala ka bang barkada or something?”


“Actually, wala. Kalilipat ko lang dito with my family so we were all just starting over.”


“O eh di may isa ka ng friend.”


“huh?”


“Bakit, ayaw mo ba ako maging friend?”


“Di naman sa ganun.”


“Dahil ba mukha akong bad guy or what?”


“Medyo, well siguro I judged you easily. Pero sige, friends na tayo.”


“Good.” “Now, kita na lang tayo next week, same time. May klase pa kasi ako eh.”


“Uhm, di ka ba pupunta sa aquaintance party bukas?” tanong ko sa kanya bago ko pa mapigil ang sarili ko. Bakit Rio Del Grande, balak mo ba pumunta?


“Wala kasi akong pambili ng ticket eh.”


“Oh ganun ba? If you want sagot ko yung ticket.” What the-


“Talaga? Kung ganoon nga eh di okay! Bigay mo sa akin yung number mo para text text na lang." aniya. At binigay ko nga sa kanya yung cellphone number ko. Nice one Rio. Mukhang magkakaroong ka ng date ah. "Pero kung iniisip mo na date ito, nagkakamali ka. Gusto ko lang talaga makaranas ng aqauintance party. At wag kang magalala, babayaran din kita-"


"Hello? Alam mo ba ang ibig sabihin ng libre?"


"O siya siya..."
Jake Constal
Bukas na ang acquaintace party. Medyo kinakabahan ako dahil ako ang nag manage nun. Nag volunteer ako dahil isa iyon sa pangangampanya ko. I knew I have done a great work so I just wish na success siya. Please God! Kailangan kong manalo sa nalalapit na botohan. Dati kong pinangarap na mag politika pero noong naging kami ni Mayel, nakalimutan ko ang pangarap kong iyon. At ngayon ngang wala na kami, anabolic ako sa school, sa politika, sa pagvo- volunteer at sa iba iba pang bagay. Biglang tumunog ang cellphone ko na siyang nagputol sa aking pagmumuni- muni. Si Rainier.
“San b tau pd mgkta 4 d acquaintance prty tom?”
“Mdyo mgi2ng bc aq tom eh,cguro aftr ng acquaintance nkng tau magkta, dming kelangan dpt gawin…” sagot ko.
Ngayong dumating si Rainier sa aking buhay, medyo naguguluhan na ako. Yup, kaibigan ko siya, pero parang naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan eh. Kinakabahan ako sa nararandaman ko dahil alam kong imposible. Kailangan ko muna siyang iwasan. Oh, I think I'm being silly.

Wednesday, December 24, 2008

Chapter 2 part 1

Candy Chan

Now, what am I gonna do? Di ko alam kung tama ba ang pag sangayon sa pakulo ni Mart. I mean, nag isip pa ba ako bago mag desisyon? Sa totoo lang hindi na. Bigla kasi akong kinilig at kahit ba sabihing kunyari lang, nakakatuwang prinoprotektahan niya ako sa mukha daw goon na lalake. So feeling niya ba boyfriend ko siya or what? I’m confused. Baka naman gusto niya lang talaga ako protektahan. Si Mart lang kasi ang nakakaalam ng mga crushes ko dati na umasa lang naman ako na baka magustuhan din nila ako someday. Supportive siya pag may mga naging crush ako, minsan nga ay nilalakad pa ako pero madalas akong nabibigo. Anyway, baka dahil nga sa mga experience ko kaya naisipan niya akong ipagtanggol sa mga nagkakagusto sa akin.

Natanaw ko si Mart sa may lobby. Palapit na sana ako sa kanya nang may humarang sa aking isang matangkad na lalake, naka spike ang style ng buhok, and he’s kinda big. “Hi Candy!”

“Uh, hello.” bati ko pabalik.

“Naaalala mo ba ako? Ako yung classmate mo sa Management I.” Pinili kong alalahanin kung may kaklase ba akong ganito ang hitsura? I can’t remember.

“Sorry, kasi naman lagi akong nasa harap nakaupo di ba, tsaka di ko na masyadong napapansin ang mga nasa likod.”

“Well, actually di pa ako nakapasok noong unang klase pero papasok din ako bukas. Anyway, I’m Lorenz.” Lorenz? Kapangalan niya yung crush ko noong first year high school ako ah.

“Hi Lorenz, well if you don’t mind-”

“May I have your number?”

“N- number?”

“K- kasi…” Napatingin ako sa kinaroroonan ni Mart. Gosh, I need to really get out of here. Well, wait! “My boyfriend’s waiting for me. And may lakad din naman kami.Sorry I have to go.” Yun lang at tinungo ko na si Mart. “Hi honey!” tawag ko sa kanya making sure na maririnig ni Lorenz.

Napansin naman agad ni Mart ang ginawa ko at agad akong inakbayan. “Hello Babe!” tugon niya naman. Nakita kong nairita agad si Lorenz saka siya tumalikod. “Buti naman at naisipan mong kagatin ang plano ko. O di ba okay?”

“Well, yup! Oo tama ka. You’re my savior right? Ganoon ba yun ha Mr. Dela Serna?”

“Exactly. Ano lunch?” yaya niya.

“Tara, gutom na din ako eh.”

“Sisig ba uli tayo my babe?”

“Shut up Honey!” pangaasar ko. Nakakakilig to ah! Nakakatuwa. I feel light hearted. Pero tama ba ‘to? Best friend lang naman ang tingin niya sa akin at baka ako lang ang umaasa. Baka ako lang ang may gusto sa kanya. I mean crush. Baka naman masaktan lang ako sa bandang huli. Teka, may nagustuhan na ba siyang babae before? Well, oo. Si Marian na nerdy type dati noong Grade 4 pa kami. Well, that’s what I thought dahil si Mart ang escort naming noon at si Marian naman ang muse. Noong first year naman kami nabanggit niya sa akin na tine- text niya si Judie pero agad naman itong natigil. Other than that wala na akong maisip na babae.

“O, why’s the long face?”

“Wala naman Mart.”

Mayel Dominguez
Nakakainis, di ako nakasagot sa recitation kanina. Okay, aaminin ko I was not paying attention because I was thinking kung bakit ko dinidibdib masyado yung tungkol sa amin ni Jake? Ibig bang sabihin nito minahal ko nga si Jake? Ano ba naman 'to, di ko na siya dapat isipin pero di ko kasi maiwasan. Pagkatapos ng klase naming iyon pumunta kami ni Candy sa isang carinderia para mag lunch kung saan naghihintay ang friend niyang si Mart. "Hi Candy! Hello Mayel." masigla nitong bati. "Ano gusto niyo? Order na ako."

"Bicol express na sa akin. Sayo Mayel?" ani Candy.

"Ganun na lang din."

"Hon, ganun din daw kay Mayel." malambing niyang sabi kay Mart. At kininditan naman siya ni Mart.

"Okay, HON!" Teka, teka sila na ba?

"Meron ka bang di sinasabi sa akin Candy? Kayo na ba ni Mart?" Di na ako makapag antay kaya tinanong ko na nang umorder si Mart. Namula siya sa tanong ko.

"Mayel, di kami okay? Friends lang kami." sagot niya.

"Candy yung totoo? Masyado kayo kung maglambingan sa isa't isa ah." Di talaga ako makapaniwala dahil no BF since BIRTH 'tong si Candy eh. Bigla tuloy ako kinilig sa mga naisip ko.

"Mayel, masama bang mag lambingan ang mag kaibigan ha?"

"Di naman sa masama pero kasi-"

"Naglolokohan lang kami ni Mart no!" putol niya sabay silay ng makahulugang ngiti. Bumalik naman maya- maya si Mart dala ang mga order namin.

"Eto para sa inyo." Inabot isa isa sa amin ni Mart ang mga ulam namin. Nakita ko kung paano sandukan ni Mart si Candy ng kanyang ulam. Sisig ang order ni Mart kaya binigyan din siya ni Candy ng Bicol express na ulam. Naisip ko, these people should be inlove pero baka di lang nila namamalayan. Parang may kakaibang spark yung mga mata nila. I wonder kung nangyari o narandaman ko na ba yun dahil ang tanging iniisip ko lang nang mga panahon na yun ay kung ano na kaya ang hitsura ko, may dumi ba ako sa mukha o di naman kaya for sure kinaiinggitan ako ng mga babae. I feel bitter. Naiinggit tuloy ako. Buti pa si Candy, si Mart ata talaga ang TL niya. Sinubukan ko na lamang namnamin ang pagkaing nasa harap ko baka sumaya pa ako. Ayoko namang magpakalunod dito sa sadness kong 'to. Mahirap na magka-wrinkles.

Ranier Lacosta

"Tara Rainier, lunch na tayo." yaya sa akin ni Jake. Kasama niya ang isang babaeng pinakilala niya sa akin before. She must be Shaina at nakapulupot ito kay Jake.

"Sige ba, besides I'm already starving." sagot ko.

"Jake mcdonalds ba tayo?" malambing na tanong ni Shaina. "Miss ko na yung burger eh."

"Ikaw ba Rainier okay lang sayo ang mcdo?" tanong muna sa akin ni Jake na tinanguan ko lang. Medyo natuwa dahil tinanong niya pa ako. Di ko alam kung bakit pero these past few days may natuklasan ako sa pagkatao ko na nung una ay di ko talaga matanggap then I have realized in a short period of time na okay lang naman 'tong nangyayari sa akin. Let it be, kumbaga. Buti nga habang maaga ay nalaman ko na. Kaya lang I still don't know kung paglalaban ko ba talaga kung sino talaga ako. Maybe I will pag handa na ako.

"Ba’t tahimik ka Rainier?" tanong sa akin ni Shaina habang umo order si Jake. "Mag kwento ka naman tungkol sa school mo dati. Manila yun di ba?"At yun nga ang ginawa ko, to take my mind off things ay kinuwentuhan ko siya tungkol sa school ko dati sa Manila hanggang sa bumalik si Jake. Malambing ang isa't isa, nagsu- subuan at nagtatawanan habang ako ay nakikisakay na lamang.

"Gaano na ba kayo katagal mag boyfriend?" tanong ko maya- maya. Agad naman sumagot si Jake bago pa makapag salita ni Shaina.

"Friends lang kami ni Shaina no." aniya na siya namang dahilan kaya biglang nagiba ang timpla ng mukha ni Shaina halatang naasar.

"Talaga?" tanong ko na medyo amused. "Lagi naman kasi kayo magkasama so I just thought. Masarap ba yang order mo? Try mo 'tong akin, ikaw din Shaina." I saw how Shaina winced and then smiled.

"No thanks." aniya. "Oo nga pala pupunta ka ba sa acquaintance party Jake?"

"Oo naman, I need to be there. Tutulong ako sa pag aayos."

"Bukas na yun di ba?" singit ko.

"Yup, kailangan bumili ka ng ticket worth php. 50. Magkakaroon ng program and then 7 pm, may disco. Magpe-perform kami."

"Sasayaw ka?" tanong ko.

"Alam mo Rainier, all in one 'tong si Rainier. Varsity ng basketball team, magaling sumayaw at matalino pa. Tatakbo pa siya sa council!" excited na proklama ni Shaina.

"Ah really?"

"Shaina naman." namumulang tugon naman ni Jake.

"At alam mo napakabait din ‘tong si Jake! Grabe!” masayang dagdag pa ni Shaina na para bang di ko alam.

“Basta pupunta kayo sa aquaintance bukas ha!” pagiiba ni Jake ng usapan.

“Oo naman Jake!” sagot ni Shaina at ako ay tumungo na lamang.

Sunday, December 21, 2008

Chapter One part 2

Rainier Lacosta
Tahimik akong naupo sa Social Science subject ko, magulo ang isip. Kahapon, pumunta kami ni Jake sa mall at nanlibre ako. Madami kaming napagusapan. Guy talk kumbaga, nalaman kong nagka- girl friend siya named Mayel which is three months ang itinagal nila. First girlfriend kaya talagang malaki ang expectation sa kanya ni Jake. Natapos daw ang relationship dahil madami pa daw siyang dapat malaman tungkol sa love at sa sarili niya din. I found that reason so weird. May ganun ba? Pero at least mabuting tao pa din siya dahil hindi niya sa iba ibinuntong yung dahilan, inamin niya pa din na kasalanan niya. Nagka- syota na naman ako pero they were all short time, did not last kumbaga. Well, ang masasabi ko lang kay Jake ay isa siyang true companion. Mahilig tumulong sa iba kaya madalas tumakbo sa student election. At ngayon, balak niya uli tumakbo. Hay, enough thinking about Jake. Ano ka ba Rainier, are you gay? Oh, shut up. Pinansin ko na lamang yung katabi kong girl. She's the emo type of a girl actually. "Hi!" bati ko. Di naman siya sumagot. She continued doodling on her note book. "Ano yan?"

"Notebook, ano sa tingin mo?" sagot niya. Oops pahiya ako dun ah.
“Alam kong notebook yan, I mean the one that you’re writing.”
“Can’t you see, nagco- compose ako ng mga songs. “
“Mahilig kang mag compose ng songs?”

“Halata ba?” pamimilosopo niya.
“Okay.” Bahala nga siya. Siya na nga ‘tong kinakaibigan, siya pa itong suplada. Nag focus na lamang ako sa dini- discuss ni Mr. Romel, ang prof naming sa Soc Sci. Si Mr. Romel ay yung uri ng prof na panot at masiglang- masiglang mag turo. Hanga din naman ako sa kanya. May suot siyang salamin na nasa ilong na niya-
“Mr?”

“Lacosta po.”

“Mr. Lacosta, sa tining mo ba may karapatan bang mag pakasal ang mga lalake sa kapwa nila lalake, in your own opinion lang, what do you think?” tanong niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit ako? Wala akong pakialam doon. Arghh! As if I have a choice.

“Uhm, sa tingin ko po, people have the freedom to choose their own individuality so I guess, should be okay. We don’t have the right to judge anybody. So yes, payag ako.”

Mart Dela Serna

"May kilala kang Candy di ba? Yung management student?" tanong sa akin ng isang mukhang goon na lalake. Semi kalbo siya at malaki ang pangangatawan niya. May suot siyang black t-shirt na may naka print na "i luv morenas!"

"At ano naman ang kailangan mo sa kanya?" tanong ko. Mukha kasing di maganda ang motibo nito kay Candy.

"Pare kasi cute siya e. I saw the two of you yesterday at ang ganda niya talaga. Anyway, I'm Alex." Di rin naman pala makapal ang mukha ng lalakeng 'to no.

"Pare kilala mo ba kung sino kausap mo? Best friend ako ni Candy at di maganda ang kutob ko sayo. Now, back off. Di ko siya gusto para sayo." malumanay kong sabi. Di rin naman biro ang laki ng katawan niya no. Mahirap na mapaaway.

"Best friend ka lang naman niya ah. Boyfriend ka ba niya para mag decide kung sino ang dapat na manligaw sa kanya? Di naman di ba? Kung di mo ko matutulungan, di bale na lang. Kaya ko naman atang-"

"Don't you dare. Di ko lang siya bestfriend okay? Soon to be girlfriend ko na siya kaya please lang. Wag ka ng magpagod. Wala kang mapapala."

"Oh really? Talaga lang ah. Tingnan natin. Anong sabi mo? Soon to be pa lang naman di ba? Meaning di pa kayo. May the best man win na lang pare." yun lang at agad na siyang nagmadaling lumabas ng canteen. Naman, ano ba nasabi ko? Soon to be boyfriend? Teka at bakit naman ba ako nakikialam. Di pa naliligawan si Candy. Baka maging sila ng gorilla na yun! Di ako makakapayag. Kailangang kumilos pero anong gagawin ko?
“Candy!” sigaw ko nang agad kong natanaw si Candy palabas ng ladies room. Sinalubong ko siya half way. “Buti naman at nakarating ka.”

“Ano ba kasi yun? Bilisan mo at may klase pa ako.” Tinext ko kasi siya agad at sinabi kong may sasabihin akong importante.

“Uhm, ano kasi eh.. Wag kang magagalit ah. Di ko naman sinasadya eh-”

“Mart, I’m in a hurry.”

“Okay, okay. Sabihin mo sa akin na hindi ka magagalit.”

“Okay, hindi ako magagalit.”

“Favor ‘to okay?” Tiningan niya ako ng masama. “Okay, kasi there was this goon looking guy…” And so kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari kanina sa canteen. Nakinig naman siya sa akin ng mahinahon hanggang sa marinig niya ang conclusion ng favor ko. “What? Magpapanggap akong… GIRLFRIEND mo? Sure ka ba Mart?” nabigla niyang tanong. Kinabahan ako bigla. Ano kaya ang magiging desisyon niya?

“You mean sa harap niya lang naman di ba?”

“I guess.” sagot ko. Hay, Mart. Nakakahiya ‘to. Bakit naman kasi ang tanga- tanga ko? Dinamay ko pa si Candy sa kabalastugan ko. Nakakahiya, ako pa mismo ang nanghihingi ng pabor na tulad ng ganito sa kanya. Sana niligawan ko na lang siya dati para hin-

“Okay.” naputol ang pagmumuni- muni ko sa sinabi niya. “Payag ako sa gusto mo mangyari.”

“T- talaga?” nauutal tuloy ako at halos di makapaniwala. “Oo.” Di ko alam kung nagi- imagine ba ako but she’s blushing.

“Pero may kondisyon.”
“A- anong kondisyon?” tanong ko. Now, we’re getting somewhere.
“Saka ko na sasabihin. Basta you owe me one.” aniya. “Kita na lang tayo mamaya.”

Rio del Grande

"Sorry but you're already late and I don't accept late students anymore." Ani ni Ma‘am Lena.

"But Ma'am is it my fault na traffic?" pagdadahilan ko. Traffic naman talaga at balak kong pumasok ng maaga kaso lecheng traffic yan! Di na ako pinagbigyang mag bagong buhay. Sabi na eh, kahit ang tadhana ay ayaw akong papasukin sa school.

"Mister hindi dapat sinisisi ang traffic dahil alam mo naman ata na always traffic dito sa Pilipinas di ba? And please note 7 am ang klase not 7:45. Sa susunod na klase na lan-"

"Pero Ma'am, sayang naman ang binabayad ng mga magulang ko para sa tuition ko tapos na traffic lang, ayaw niyo-"

"You should also learn discipline iho." yun lang at isinara na ang pinto. Who ever said life is fair? Makapag yosi nga muna sa cr. Lahat ng sinabi ko kanina ay katotohanan pero minsan talaga mga guro pa ang gumagawa ng dahilan para di matuto ang mga estudyante nila. Pakirandam nila alam nila ang lahat at wala ng pinapakinggang excuses o kahit dahilan. Para sa kanila isa lang ang tamang sagot. Pero alam ko na ang tunay na buhay ay di ganoon. Dahil sa tunay na buhay maraming kasagutan, maraming paraan. Ayoko na talaga sa mga guro bata pa lang ako. Wala silang ibang alam kundi magsalita ng magsalita. Wala silang pakialam sa buhay ng estudyante nila, pero ilan ba talagang guro ang binibigay ang lahat matuto lang ang mga estudyante nila? Meron nga ba? Hay, ano ba yan? Feeling ko ang sama sama ko. Napatingin ako sa relo ko. Alas otso na pala at meron na uli akong klase. Papasok ba ako o ano? Hay, o siya makapasok na nga lang. Tumayo ako at tinapon sa bintana ang natirang puyos ng sigarilyo.

Miabelle Basco
"Okay, so lahat ba may ka-partner na?" tanong ni Ma’am Lena. Tinaas ko agad ang kamay ko.
"Ako po, wala pang partner." I proudly proclaimed. "Okay lang naman po sa akin na ako na lang magisa sa project Ma'am." Yun naman talaga ang gusto ko. Buti na lang at odd number ang bilang ng klase na ito. Mahirap kasi magkaroon ng kapartner pagdating sa mga project. Hindi kasi magtutugma ang mga ideas.

"Well, I think may isa pa kayong kaklase kanina di ba? Let me check his name on my records..." Oh no, yung lalakeng na late kanina? Siya ba yung tinutukoy ni Ma’am? Yung lalakeng sinisi pa sa traffic kung bakit siya na late? Uh oh, I don't like this.

"Eh ma'am-" "Oh yes, he's Rio del Grande. You should talk to him. Siya ang magiging partner mo."

"Siya po ba yung na-late kanina? Sure po kayo?"

"Exactly. Kausapin mo na lang siya, I know you can deal with him."

"Paano po pag ayaw niya?" pagbabakasakali ko. Oh God, please don’t let this happen to me!

"Well, then I'll be the one to talk him." sagot ni Ma’am Lena. Ano ba naman 'to? Kaya ko naman kasing mag isa. Anyway, may choice ba ako? Ang project kasi ay gumawa ng ideal house. Now, bakit naman kasi nag advance pa ako sa art appreciation sub eh!

“Uhm sige ako na lang po.”

“Very good Ms. Basco.”
Papunta ako sa library nang hapon na iyon. Magre- research lang sana ako dahil meron kaming isang project sa History nang bigla kong masalubong ang isang pamilyar na mukha na lalake. Naka baggy pants siya at white na shirt. Napansin ko din na bakat na bakat ang kanyang muscles. What am I thinking? Galing siya sa men’s room at amoy usok ng sigarilyo. Nagyo- yosi ba sya? Anong gagawin ko? Lalapitan ko ba siya o ano? I need to talk to him so bago pa siya makalayo, tinawag ko na siya agad. “Del Grande?” tawag ko sa kanya. Lumingon siya na parang nairita bigla na di malaman. “Classmate mo ko sa Art appreciation, remember yung na late ka sa klase ni Ma’am Lena. Actually kanina naman kasi pinagpartner- partner kaming lahat pero wala kasi akong naging partner, bale Ma’am Lena decided to you know, tayo na lang ang maging partner.” At in-explain ko sa kanya kung ano ang magiging project namin. Bigla siyang natawa.

“Ideal house? Stucture?” aniya. Aba aba! Tama bang pagtawanan ako ng taong ‘to? “Oo ba, sure walang problema. Magkano ba ang materials? Yun na lang ang sagot ko.”

“Actually, okay lang sana yung ganun. Pero I think dahil partner effort ‘to dapat parehong may skill contribution, don’t you think?” What am I saying?

“Ohhh! Are you sure, okay lang sayo na maging ka partner ako?” tanong niya.

“Well, actually I don’t have any choices left. So…” pagtatapat ko.

“Ganun? Well, fine.” pagsangayon niya. “What do you mean fine?” nawi- wirduhan kong tanong. “Payag ako na maging partner ka. Kailan natin gagawin ang project?”

"Hmm, lets see. How about Friday?”

“Night? What time? My place?”

“NO! Should be afternoon lunch time! Sa library! Okay? So, see yah na lang!”
Jake Constal

“Hi Jake!” bati sa akin ni Shaina.
“O Shaina, anong balita?” bati ko naman sa kanya. Kasalukuyan akong nagbabasa ng History book dahil magkakaroon kami ng exam mamaya at wala na akong oras. Sa makalawa na ang acquaintance party at wala na akong oras para gawin ang iba pang mga bagay. Magkaganun pa man, sinubukan kong itago ang pagkairita ko kay Shaina. Nitong mga nearing araw kasi, para siyang plantsa kung makahabol sa isang di plantation damit.
“Sabi mo sabay tayong maglu- lunch?” aniya. Sa totoo lang, tingin ko masyadong ko na siyang pinapaasa. Noong bakasyon kasi nasabi ko na gusto ko siya pero as in gusto ko lang. I am not in love with her pero sa tingin ko she have been expecting something from me.
“Oo nga, kaso kasi may exam-”
“Ay oo nga pala no, gusto mo review kita?” yaya niya.
“Uhm, okay.” tanging nasagot ko.

Saturday, December 20, 2008

Chapter One part 1

Candy Chan

OMG, I’m gonna be late! Bakit ba naman kasi ako napuyat kagabi eh. Nakakinis naman o. 5th floor, I need to reach the 5th floor quick. Mabilis kong inakyat ang hagdan. At pagdating ko doon ay sakto namang nag sara ang pintuan. Gusto kong pumasok but I guess the door is locked already. Algebra subject pa naman yun at kilala ko si Prof. Lina. Di siya nagpapapasok ng mga late dahil saturating mapapahiya ka lang. Nagdesisyon na akong wag na pumasok. Nakakainis, ayoko pa namang uma- absent sa mga klase ko. I decided to go to the nearest carinderia. Di kasi ako nagalmusal so I just grab the chance. Nakakapanghinayang man pero siguro itatanong ko na lang kay Mayel ang assignment. Sabi nga ng nabasa ko sa ABNKKBSNPLK by Bob Ong, di naman yun makaka apekto sa buong buhay mo, I mean yung di pag pasok o di paggawa ng assignment mo ng isang beses. Tama. Isa sa pinaka paborito kong spot around the school ay yung carinderia ni Aling Martha. Masarap siyang magluto ng paborito kong sisig or bicol expres. “Isang order po ng sisig with soup!” sabi ko kay Aling Martha. Pinanood ko ang mga jeep sa harap ng carinderia. Medyo traffic at mukhang uulan na naman. Wala pa naman akong dalang payong. Maya- maya lang dumating na yung in-order kong sisig.. Grabe gutom na gutom na ako. Mabilis akong sumubo dahil paborito ko ang sisig.

“Wow! Takaw naman!” muntikan na akong mabilaukan sa pagsulpot ni Mart. Agad akong uminom ng tubig.

“Ano ba, balak mo ba akong patayin?”Hinagod niya ang liked ko.

“Sorry love-”

“Love ka dyan?” muntikan pa akong mabilaukan ulit sa itinawag niya sa akin. Pero kinilig naman ako bigla. Ano ba naman ‘tong taong ‘to? Nagptauloy na lamang ako sa pag subo ng kinakain ko at baka mahalata ako.

“Akala ko ba may klase ka?”

“Na- late ako eh, lam mo naman si Prof Lina. Tsaka ngayon na ako nag almusal. Tara kain tayo. Teka, wala ka bang klase?”

“Walang Prof eh.”

“Ganun? Pwede ba yun?”

“Yeah, alam mo naman tamad yung ma department namin. Nagpaa- attendance lang kami eh.” sagot niya. “Buti na lang nakita kita, may tatanong kasi ako eh.”

“Ano naman yun?”

“Uhm, ngayong Sabado na kasi yung acquaintance party. Pupunta ka ba?”

“Oo naman. Pupunta kami ni Mayel. Ikaw? Sama ka? Di ka naman mahilig sa mga party di ba?”

“Pwede din naman ako sumama eh, lalo na kung isasama mo ako.”

“Talaga? Pupunta ka sa acquaintance party?” gulat kong tanong. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong si Mart. Aba’y di naman siya mahilig sa mga ganito ah. Ang hilig niya lang naman ay mag computer.

“Oo ba. Ako ang magiging escort mo?”

“E-escort?”

Mayel Dominguez

“Hi Mayel!” masayang bati sa akin ni Shaina. Tumabi siya sa akin sa Gen. Psy subject namin. Iyon ang kaisa- isang subject na di kami magkaklase ni Candy. Humarap ako sa kanya at ngumiti.

“Hello Shaina.” bati ko naman. Ano naman ang gusto niya sa akin? Never niya naman akong pinansin before ah.

“Well, may tatanong lang naman ako. Kung naka move on ka na ba from your break up with Jake? Kasi alam mo yun, mahirap na. Medyo MU kasi kami ngayon eh. You know, mutual understanding. Nagkakamabutihan na kami. At nasa iisang school pa naman tayo, mahirap na yung nagkakailangan tayo.” Ano ba? Nakakaasar naman ‘tong babaeng to. Masyado siyang feeling. Ang kapal! Ang sarap niyang sabunutan. Mayel, di ka pa dapat magpa- apekto. Hindi dapat. Sinubukan kong controlling ang sarili ko at saka ngumiti.

“Actually, matagal na din naman yun eh. A month? And three months lang naman kami di ba? So move on na talaga ako. Alam mo naman siguro we’re not really meant to be. At kung sakaling maging kayo man, then I would be very happy for you, for both of you.”

“Sure ka, Mayel? Kasi kahapon nakita kita na parang nagdadamdam pag nagkakasama kami ni Jake.”

“Huh? Hindi ah! Medyo nagugutom na kasi ako, noong umaga ba yun? Di ako nakapag almusal. Oo tama, tama. Gutom lang ako.”

“Ah okay, naninigurado lang naman kasi ako eh. Mahirap na di ba? Wag kang magalala, ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal na sana ay ibinigay mo sa kanya noong kayo pa. “

“Sige, good luck sa inyo ni Jake ha.” plastic kong bati. Nakakainis. Tama ba yung sinabi niya sa akin? Masyado siyang feeling ha. Anyway, medyo totoo naman kasi yun no. Talagang nanghinayang ako nang malaman ko na MU na sila ni Jake. Bakit ba kasi di ko na lang siya makalimutan tulad ng iba kong mga naging ex. Siguro dahil kakaiba si Jake sa lahat. Gentleman siya at ni minsan di niya ako tinake advantage. Yung ibang lalake kasi diyan kakasagot mo pa lang eh makikipoints na agad. Iba si Jake. Umabot pa ng one month bago ko natanggap ang first kiss ko. Okay naman kasi kami pero noong 3rd month na namin bigla na lang siyang na-praning. Agad siyang nagseselos pag may lumalapit sa aking mga lalake kahit wala naman silang intensyon. Pinagtataka ko talaga yun na kahit itanong ko sa kanya kung bakit o kung wala na ba siyang tiwala sa akin, bigla na lang umiinit ang ulo niya. Alam kong may dinadamdam si Jake at sa ngayon pinagsisisihan ko na iniwan ko siya sa oras na mas kailangan niya ako. Kailangan kong mag imbestiga kung ano ang bagay na iyon. Pero paano ko iyon gagawin kong malapit na maging sila ni Shaina? God, bakit ba ngayon ko lang naisip to?

Thursday, December 18, 2008

Prologue

Candy Chan

Unang araw ng pasukan ko sa college. Papasok pa lang ako ng campus, I felt nervous na. Dito sa University of Perpetual Molino din naman ako nag highschool, hay how I miss my high school life. Doon ko kasi naranasan ang mga first times ko. At ngayong college na ako, for sure mas madaming adventures ang naghihintay. Nakita ko ang pagkaway sa akin ni Mayel, ang best friend ko. Humugot ako ng malalim na hininga at saka humakbang patungo sa kanya. Nakaupo siya sa catwalk at dali dali ko naman siyang tinungo. "Mayel, musta?" bati ko. Si Mayel, ang best friend kong mula first year high school ay muse na namin. Kumabaga, isa siyang beauty queen. Mestisa siya, curly long hair at lahat na ata ng lalake ay crush sya. Ako naman ay opposite niya, morena ako at straight ang mahaba ding buhok ko. At wala naman nanliligaw sa akin, di pa ako nag kaka- boyfriend. Anyway, sa studies naman ako bumabawi. Di ako valedictorian but I was one of the top students. Magkaganun pa man, pareho pa din kami ng course ni Mayel, we took up the course Management.

"Sa wakas at dumating ka na! Kanina pa kita hinihintay eh." Nag beso beso kami. "Nakita ko nga pla kanina si Mart. Hinahanap ka niya kanina pa." Si Mart nga pla ang best buddy ko. Grade 4 pa lang ay magkakilala na kami pero nung grade 6 lang naging close. Matangkad at tanned ang kulay nito, one side ang buhok, at mahaba ang pilik mata ng lolo mo. At kung ngumiti ito ay kitang kita ang maganda nitong ngipin. Si Mart nga pala ang secret crush ko.

"Ganun ba? Yaan mo makikita ko din ang taong yun."

"Ano ba course nun?"

"IT" maikli kong sag0t, mahilig talaga sa computer si Mart.

"Tara pasok na tayo, ano nga ba first subject natin? Accounting 1 db?" Anyway, ako nga pla si Candy, Candy Chan.


Mayel Dominguez

Nakita kong pumasok si Jake sa classroom kung saan kami nakaupo ni Candy. "Look who's coming." bulong ni Candy. Napalunok ako sa kinauupuan ko. "Di ko alam na management din pala ang kukunin nya. Hmm, something fishy! Akala ko ba nursing siya." dagdag pa nito. Di ako nakasagot nang makita kong hinagkan ni Jake si Shaina. OMG! Sila na ba? One month pa lang kaming break ah, ang bilis niya naman makapag move on? Si Jake Constal nga pala ang 23rd kong naging boyfriend, President ng student council naming nung high school pa lang kami, 5’9 ft, mestiso, (in short gwapo). Di naman siya ganun ka- popular dati, pero sa isang iglap, bigla na lang siyang naging popular, I don’t know pero naging crush ko siya dahil di lang siya cute, matalino pa. Sa totoo lang siya ang pinakamatagal kong boyfriend, imagine, three months? Nakipag break ako sa kanya dahil napaka seloso niya at nasasakal na ako. Okay naman sana kaso di pa rin ako nai- inlove ulit. Ang nakakapagtaka ay nahihirapan ako makapag move on na di naman mahirap para sa akin dati. Sabi nga sa akin ni Candy baka daw karma ko na daw to, napaka player ko daw kasi, ayan tuloy, feeling ko nagsisisi na ako. Lalo na nang makita ko na sweet sila ni Shaina, parang gusto kong maiyak sa kinauupuan ko. "Mayel, uy! Okay ka lang? Hindi ka dapat magpahalata, ignore what you saw, you know naman na he's a big jerk. Forget him honey." Gusto kong makinig sa sinasabi ni Candy pero hanggang sa matapos ang klase, di na ako nakaimik.

Rainier Lacosta

Bakit ba ang weird ng mga tao dito sa school na 'to? Nakakainis, gusto ko ng bumalik sa Manila. Wala naman akong kilala dito eh. I don't know why Dad have to leave Mom, at bakit ba nadamay pa ako sa paghihiwalay nila? Dahil naghiwalay sila kailangan ihiwalay din ako sa mga friends ko, ganun? Ang borring nga dito eh. Wala nga atang bar or something at sa ngayon wala pa akong nakikitang magandang chix. Miss ko na din ang mga tropa ko. I miss all of them. Noong pa naman talaga, gusto ko namang mag stay na lang sa Mom ko, kaso dahil nga wala naman siyang trabaho at malamang walang ipangpapa aral sa akin, si Dad na ang nag decide. Kesa naman di ako makapag aral di ba? Tapos malalaman ko na lang na sa Cavite pala kami titira? Asar! I hate everyone, yung guard kanina ayaw akong papasukin dahil daw sa haircut ko, DAMN! Buti na lang may barbershop sa harap ng school na para bang sinadya na doon siya pinatayo ng may ari. At kanina din may nakabunggo pa akong babae na parang na hypnotize sa pagkatitig sa akin. She's beautiful pero di ko type kaya sa halip na tulungan siya sa mga nahulog niyang gamit ay dire-diretso pa din akong naglakad papunta dito sa classroom. Maya maya lang may tumabi sa aking lalake na matangkad at may malalaking muscles. Ehem, may muscles din naman ako at mas may hitsura pa nga ako sa kanya eh, pero bakit ganun, bigla akong na tense.

"Tol, nu pangalan mo? Management ka din?" tanong niya.

"H-hindi, Marketing ako. Rainier, pare." sagot ko na parang nauutal pa.

"Ikaw?"

"It's Jake." maikli niyang sagot sabay abot ng kamay sa akin na siya naman kinamayan ko.

“Saan ka nagaaral dati? Taga Manila ka no?”

“Yeah, sa Makati High school ako dati. Kalilipat lang naming dito.” Damn, what the hell is happening to me? Nangangatog ang kalamnan ko habang nagsasalita. At bakit bigla akong naging interesado sa pakikipagusap sa taong ‘to? Weird. “Ngayon lang ako nakapunta dito sa Cavite so I got lost most of the time.”

“Well, if you have time then pwede ko ipakita sayo ang mga mall or hang out place na pwedeng tambayan. Sama ka sa tropa namin, di yung loner ka dito.” Niyayaya niya ako lumabas kasama ang tropa niya. Not really a bad idea. “Sure kaso may klase pa ako after this eh.”

“Bigay mo na lang number mo, tawagan na lang kita.” Di ko alam pero bigla akong natuwa sa sinabi niya at binigay ang number ko. “Wow, may I phone ka?” aniya. Actually sa Dad ko yun, hiniram ko lang pero di ko yun inamin sa kanya. Mas gwapo nga siya talaga sa akin.

Mart Dela Serna

"Candy, lunch tayo!" masigla kong bati kay Candy pagkalabas niya sa classroom na kasama si Mayel. Ang ganda talaga ni Candy, hinahangin ang mahaba niyang buhok, at ang mga mata niya brown colored pag tinatamaan ng sikat ng araw. She smiled to me na bigla namang kinalambot ng tuhod ko.

"Tara, tomguts na din ako eh. Kamusta first day? Teka, cute ng shirt mo ah, bagay sayo. Pa arbor, bago naman ata yan eh." puna niya sa green kong t shirt na sa totoo lang ay matagal na sa cabinet at di ko pa nasusuot. Ayoko ng damit na iyon dahil mukha akong hanger pag sinusuot ko yun dati. Pero ngayon na narinig kong nagustuhan ni Candy, once a week ko na 'tong susuutin. "Dali na pa arbor!" aniya.

"Candy, ililibre na lang kita ng lunch ok?"

"Naman eh, ganyan ka ba sa little sis mo?"

"Little sis ka dyan, baka big sis, mas matanda ka kaya sa akin."

"Fine-"
"Eto naman binibiro lang eh. Alangan naman mag hubad ako dito at pumasok na walang tshirt?

"Maaatim mo ba na makita nila ang aking machong katawan?" pangaasar ko.

"Ano ba yan, bigla akong nawalan ng gana kumain ah. Yoko na nga."

"Sama nito." ang tanging nasabi ko kunyaring nagdra drama.

"Joke lang, 'to naman o." aniya.

"Nga pala," putol ni Mayel. Nakalimutan ko na halos na kasama din namin siya. "Punta muna ako library ah."

"Bakit, di ka sasama sa aming mag lunch?" tanong ni Candy.

"Ayoko lang muna, okay? Sige na," pagpapaalam niya.

"Maya ah kita na lang tayo sa 5th floor." tugon naman ni Candy.

"Ano problema nun?" tanong ko nang makaalis na si Mayel.

"Meron lang siyang lovenat"

"Ganun?" ang tanging nasabi ko saka napailing.
"Saan mo nga pala ako ililibre?"

Rio del Grande(Rix for short)

"Tol, yosi?" yaya ko sa bagong pasok na lalake sa kubeta. Mukha naman kasi siyang tensyonado at kabado, alam kong magagamot ng yosi iyon.

"Sorry but I don't smoke." aniya na para bang di bagay ang ugali niya sa hitsura niya. Ang hinhin naman kasi.

"Bahala ka." tugon ko habang tinitingnan siyang ibaba ang zipper niya. Naiilang ba siya?

"Tol, ilang inches yang sayo?" seryosong tanong ko pero nakangisi. Sa tingin ko kasi, okay yung size ng sa kanya. Di naman sa nagmamaliit ako pero mas malaki pa din ang akin.

"La ka na dun." sagot niya.

"Bading ka no? Ang sungit mo eh." pagbibiro ko. Di na siya umimik, pakirandam ko iiyak siya anumang sandali. "Biro lang, sige una na ko." Lumabas muna ako ng kubeta. Medyo badtrip dahil sa nangyari sa loob. Kakaawa si cutie boy, mukhang di niya tanggap na bakla siya. Napansin kong mukhang uulan ata, ano ba yan? Ayoko pa naman ng ulan. Niluwa ko ang gum na isang oras ko ng nginunguya at idinikit sa may blackboard ng isang bakanteng classroom. Ayan, perfect, sa gitnang gitna siya nakalagay. Umakyat ako sa pinakamataas na palapag. Pumasok na kaya ako sa klase ko? Tutal, kalahating oras na din akong late eh. Hmm..nice idea.


(From the Bulletin Board)University of Molino (all dept)Schedule of programs for 1st sem (s.y 20XX- 20XX)

20 June Acquaintance Party @ Univ. Ground
25 June Paint A House Project09 July Join A Club Day17 July Student Council Election
19- 21 July Preliminary Exam01 Aug Concert for a cause (featuring the chefs!!!)
29 Aug Youth Group play (everyone is required to watch)
01- 03 Sept Mid Term Exam11 Sept Sports Fest 17- 19 Oct Final Exam

Miabelle Basco

Dear Diary, July 19 na ang prelim at mukhang kailangan kong mag advance study. Mahigit isang buwan pa naman bago yun. Na- meet ko nga pala kanina si Dean Santos ang Dean ng Nursing department, ang bait niya at sabi niya pwede daw akong maging scholar kung maga- apply ako bilang library assistant. Balak ko nga mag apply bukas. Makakatulong din yun ng malaki sa pagaaral ko. Isang taon din ako nahinto sa pagaaral eh, dahil nga alam mo naman na kailangan pang makatapos ni Ate. Tutal last year na lang naman niya iyon. Alam mo na kailangang humabol, I’m already eighteen at first year pa lang ako sa kursong Nursing. Syempre balak ko sanang mag abroad, Dito nga pala nagtapos yung Ate ko last school year. Sa school na ‘to din ako magtatapos. University of Perpetual Molino, isa siyang 5th floored Campus kong saan may Grade School, High School at College. Bawal pumasok ang walang ID, mahaba ang buhok (para sa lalake) at baboy mag suot ng damit. Nakakainis umakyat hanggang 5th floor lalo na pag five minutes ka lang late, ayaw naman kasi magpakalagay ng escalator or elevator or something ba. Anyway, nandito nga pala ako sa library at halos walang tao. Aba, mukhang walang gana magaral yung ibang tao dito ah. Well, ako din naman, kunyari nagaaral pero nagsusulat sa diary. O siya sige na at magbabasa na lang muna ako ng encyclopedia.

Mia ^^

Jake Constal
Pagkatapos ng meeting ng mga gusto tumakbo sa student council, niyaya agad ako ng mga tropa ko na pumunta sa Bonita. Isa itong bar malapit sa school, actually bar siya sa gabi. “Tol, di pwede eh. Alam mo naman na di pwede, pag nalaman ng Dean na nag pupunta ako doon baka di na niya ako payagang tumakbo this coming election.”
“Aba, so itutuloy mo talaga yan no.” ani Marco. “Pati ba naaman ngayong college, ang school pa din ang iisipin mo. Noong high school ka, halos di ka na nakakasama sa mga pag e-enjoy naming dahil busy ka sa mga project ng school. Balak mo ba talaga mag politika? “
“Tol, naman! Sesermunan mo na naman ba ako. Gusto ko naman ‘to eh. Alam mo tulungan mo na lang ako mangampanya.”

“Para namang kailangan mo pa mangampanya. Gustong- gusto ka ng mga babae kaya sigurado ako anuman yang takbuhan mo ay mananalo ka.”

“Sana nga.”
"O siya sige na, bahala ka. Aalis na ako.” yun lang at nagpaalam na si Marco sa akin. Binasa ko muli ang nilista ko sa notebook ko kanina nung nag meeting. Same requirements lang naman eh. Syempre magsisimula na muna ako sa pinaka mababang posisyon., ang Public Relations Officer, in short PRO. Sa totoo lang nasisiyahan talaga ako sa ginagawa ko. Masarap magpaka- busy lalo na pag ang pag unlad ng school ang inaasikaso ko. Ang sarap sa feeling. Mas nakakalimutan ko ang nakaraan. Actually Sinabi ko na sa sarili ko na last na yung pagtakbo ko bilang President noong high school. Gusto ko naman kasing maranasan ang buhay ng isang ordinary studyante. Pero matapos ng pagbre- break naming ni Mayel, Sinabi ko sa sarili ko na I have to forget her, minahal ko naman siya but I guess I was being possessive. And I guess kailangan ko munang alamin at kilalanin ng husto ang sarili ko bago ako magmahal.

“Jake!” narinig kong tawag ng isang lalake na nakaupo sa may lobby. Siya yung nilapitan ko kanina sa may Philippine History subject ko. Si Ranier na mukhang malaki ang problema dito sa school. Alam kong kailangan niya ng tulong ko dahil bago lang siya dito, mukha kasi siyang taga Maynila. Ewan but I just feel that he needs to be feel at home dito sa school, tulad ko.

“Kamusta?” bati ko.
“Wala na akong klase eh.”
“Talaga? Buti naman. Ano ba hilig mo? Arcade or-”

“Sa ngayon, nagugutom ako eh. Maybe we could eat, treat ko.” yaya niya. Siguro wala pa siya masyadong kaibigan kaya agaad akong pumayag.
“Oo ba, yun lang pala eh. Basta libre mo ah!”