Sunday, December 21, 2008

Chapter One part 2

Rainier Lacosta
Tahimik akong naupo sa Social Science subject ko, magulo ang isip. Kahapon, pumunta kami ni Jake sa mall at nanlibre ako. Madami kaming napagusapan. Guy talk kumbaga, nalaman kong nagka- girl friend siya named Mayel which is three months ang itinagal nila. First girlfriend kaya talagang malaki ang expectation sa kanya ni Jake. Natapos daw ang relationship dahil madami pa daw siyang dapat malaman tungkol sa love at sa sarili niya din. I found that reason so weird. May ganun ba? Pero at least mabuting tao pa din siya dahil hindi niya sa iba ibinuntong yung dahilan, inamin niya pa din na kasalanan niya. Nagka- syota na naman ako pero they were all short time, did not last kumbaga. Well, ang masasabi ko lang kay Jake ay isa siyang true companion. Mahilig tumulong sa iba kaya madalas tumakbo sa student election. At ngayon, balak niya uli tumakbo. Hay, enough thinking about Jake. Ano ka ba Rainier, are you gay? Oh, shut up. Pinansin ko na lamang yung katabi kong girl. She's the emo type of a girl actually. "Hi!" bati ko. Di naman siya sumagot. She continued doodling on her note book. "Ano yan?"

"Notebook, ano sa tingin mo?" sagot niya. Oops pahiya ako dun ah.
“Alam kong notebook yan, I mean the one that you’re writing.”
“Can’t you see, nagco- compose ako ng mga songs. “
“Mahilig kang mag compose ng songs?”

“Halata ba?” pamimilosopo niya.
“Okay.” Bahala nga siya. Siya na nga ‘tong kinakaibigan, siya pa itong suplada. Nag focus na lamang ako sa dini- discuss ni Mr. Romel, ang prof naming sa Soc Sci. Si Mr. Romel ay yung uri ng prof na panot at masiglang- masiglang mag turo. Hanga din naman ako sa kanya. May suot siyang salamin na nasa ilong na niya-
“Mr?”

“Lacosta po.”

“Mr. Lacosta, sa tining mo ba may karapatan bang mag pakasal ang mga lalake sa kapwa nila lalake, in your own opinion lang, what do you think?” tanong niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit ako? Wala akong pakialam doon. Arghh! As if I have a choice.

“Uhm, sa tingin ko po, people have the freedom to choose their own individuality so I guess, should be okay. We don’t have the right to judge anybody. So yes, payag ako.”

Mart Dela Serna

"May kilala kang Candy di ba? Yung management student?" tanong sa akin ng isang mukhang goon na lalake. Semi kalbo siya at malaki ang pangangatawan niya. May suot siyang black t-shirt na may naka print na "i luv morenas!"

"At ano naman ang kailangan mo sa kanya?" tanong ko. Mukha kasing di maganda ang motibo nito kay Candy.

"Pare kasi cute siya e. I saw the two of you yesterday at ang ganda niya talaga. Anyway, I'm Alex." Di rin naman pala makapal ang mukha ng lalakeng 'to no.

"Pare kilala mo ba kung sino kausap mo? Best friend ako ni Candy at di maganda ang kutob ko sayo. Now, back off. Di ko siya gusto para sayo." malumanay kong sabi. Di rin naman biro ang laki ng katawan niya no. Mahirap na mapaaway.

"Best friend ka lang naman niya ah. Boyfriend ka ba niya para mag decide kung sino ang dapat na manligaw sa kanya? Di naman di ba? Kung di mo ko matutulungan, di bale na lang. Kaya ko naman atang-"

"Don't you dare. Di ko lang siya bestfriend okay? Soon to be girlfriend ko na siya kaya please lang. Wag ka ng magpagod. Wala kang mapapala."

"Oh really? Talaga lang ah. Tingnan natin. Anong sabi mo? Soon to be pa lang naman di ba? Meaning di pa kayo. May the best man win na lang pare." yun lang at agad na siyang nagmadaling lumabas ng canteen. Naman, ano ba nasabi ko? Soon to be boyfriend? Teka at bakit naman ba ako nakikialam. Di pa naliligawan si Candy. Baka maging sila ng gorilla na yun! Di ako makakapayag. Kailangang kumilos pero anong gagawin ko?
“Candy!” sigaw ko nang agad kong natanaw si Candy palabas ng ladies room. Sinalubong ko siya half way. “Buti naman at nakarating ka.”

“Ano ba kasi yun? Bilisan mo at may klase pa ako.” Tinext ko kasi siya agad at sinabi kong may sasabihin akong importante.

“Uhm, ano kasi eh.. Wag kang magagalit ah. Di ko naman sinasadya eh-”

“Mart, I’m in a hurry.”

“Okay, okay. Sabihin mo sa akin na hindi ka magagalit.”

“Okay, hindi ako magagalit.”

“Favor ‘to okay?” Tiningan niya ako ng masama. “Okay, kasi there was this goon looking guy…” And so kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari kanina sa canteen. Nakinig naman siya sa akin ng mahinahon hanggang sa marinig niya ang conclusion ng favor ko. “What? Magpapanggap akong… GIRLFRIEND mo? Sure ka ba Mart?” nabigla niyang tanong. Kinabahan ako bigla. Ano kaya ang magiging desisyon niya?

“You mean sa harap niya lang naman di ba?”

“I guess.” sagot ko. Hay, Mart. Nakakahiya ‘to. Bakit naman kasi ang tanga- tanga ko? Dinamay ko pa si Candy sa kabalastugan ko. Nakakahiya, ako pa mismo ang nanghihingi ng pabor na tulad ng ganito sa kanya. Sana niligawan ko na lang siya dati para hin-

“Okay.” naputol ang pagmumuni- muni ko sa sinabi niya. “Payag ako sa gusto mo mangyari.”

“T- talaga?” nauutal tuloy ako at halos di makapaniwala. “Oo.” Di ko alam kung nagi- imagine ba ako but she’s blushing.

“Pero may kondisyon.”
“A- anong kondisyon?” tanong ko. Now, we’re getting somewhere.
“Saka ko na sasabihin. Basta you owe me one.” aniya. “Kita na lang tayo mamaya.”

Rio del Grande

"Sorry but you're already late and I don't accept late students anymore." Ani ni Ma‘am Lena.

"But Ma'am is it my fault na traffic?" pagdadahilan ko. Traffic naman talaga at balak kong pumasok ng maaga kaso lecheng traffic yan! Di na ako pinagbigyang mag bagong buhay. Sabi na eh, kahit ang tadhana ay ayaw akong papasukin sa school.

"Mister hindi dapat sinisisi ang traffic dahil alam mo naman ata na always traffic dito sa Pilipinas di ba? And please note 7 am ang klase not 7:45. Sa susunod na klase na lan-"

"Pero Ma'am, sayang naman ang binabayad ng mga magulang ko para sa tuition ko tapos na traffic lang, ayaw niyo-"

"You should also learn discipline iho." yun lang at isinara na ang pinto. Who ever said life is fair? Makapag yosi nga muna sa cr. Lahat ng sinabi ko kanina ay katotohanan pero minsan talaga mga guro pa ang gumagawa ng dahilan para di matuto ang mga estudyante nila. Pakirandam nila alam nila ang lahat at wala ng pinapakinggang excuses o kahit dahilan. Para sa kanila isa lang ang tamang sagot. Pero alam ko na ang tunay na buhay ay di ganoon. Dahil sa tunay na buhay maraming kasagutan, maraming paraan. Ayoko na talaga sa mga guro bata pa lang ako. Wala silang ibang alam kundi magsalita ng magsalita. Wala silang pakialam sa buhay ng estudyante nila, pero ilan ba talagang guro ang binibigay ang lahat matuto lang ang mga estudyante nila? Meron nga ba? Hay, ano ba yan? Feeling ko ang sama sama ko. Napatingin ako sa relo ko. Alas otso na pala at meron na uli akong klase. Papasok ba ako o ano? Hay, o siya makapasok na nga lang. Tumayo ako at tinapon sa bintana ang natirang puyos ng sigarilyo.

Miabelle Basco
"Okay, so lahat ba may ka-partner na?" tanong ni Ma’am Lena. Tinaas ko agad ang kamay ko.
"Ako po, wala pang partner." I proudly proclaimed. "Okay lang naman po sa akin na ako na lang magisa sa project Ma'am." Yun naman talaga ang gusto ko. Buti na lang at odd number ang bilang ng klase na ito. Mahirap kasi magkaroon ng kapartner pagdating sa mga project. Hindi kasi magtutugma ang mga ideas.

"Well, I think may isa pa kayong kaklase kanina di ba? Let me check his name on my records..." Oh no, yung lalakeng na late kanina? Siya ba yung tinutukoy ni Ma’am? Yung lalakeng sinisi pa sa traffic kung bakit siya na late? Uh oh, I don't like this.

"Eh ma'am-" "Oh yes, he's Rio del Grande. You should talk to him. Siya ang magiging partner mo."

"Siya po ba yung na-late kanina? Sure po kayo?"

"Exactly. Kausapin mo na lang siya, I know you can deal with him."

"Paano po pag ayaw niya?" pagbabakasakali ko. Oh God, please don’t let this happen to me!

"Well, then I'll be the one to talk him." sagot ni Ma’am Lena. Ano ba naman 'to? Kaya ko naman kasing mag isa. Anyway, may choice ba ako? Ang project kasi ay gumawa ng ideal house. Now, bakit naman kasi nag advance pa ako sa art appreciation sub eh!

“Uhm sige ako na lang po.”

“Very good Ms. Basco.”
Papunta ako sa library nang hapon na iyon. Magre- research lang sana ako dahil meron kaming isang project sa History nang bigla kong masalubong ang isang pamilyar na mukha na lalake. Naka baggy pants siya at white na shirt. Napansin ko din na bakat na bakat ang kanyang muscles. What am I thinking? Galing siya sa men’s room at amoy usok ng sigarilyo. Nagyo- yosi ba sya? Anong gagawin ko? Lalapitan ko ba siya o ano? I need to talk to him so bago pa siya makalayo, tinawag ko na siya agad. “Del Grande?” tawag ko sa kanya. Lumingon siya na parang nairita bigla na di malaman. “Classmate mo ko sa Art appreciation, remember yung na late ka sa klase ni Ma’am Lena. Actually kanina naman kasi pinagpartner- partner kaming lahat pero wala kasi akong naging partner, bale Ma’am Lena decided to you know, tayo na lang ang maging partner.” At in-explain ko sa kanya kung ano ang magiging project namin. Bigla siyang natawa.

“Ideal house? Stucture?” aniya. Aba aba! Tama bang pagtawanan ako ng taong ‘to? “Oo ba, sure walang problema. Magkano ba ang materials? Yun na lang ang sagot ko.”

“Actually, okay lang sana yung ganun. Pero I think dahil partner effort ‘to dapat parehong may skill contribution, don’t you think?” What am I saying?

“Ohhh! Are you sure, okay lang sayo na maging ka partner ako?” tanong niya.

“Well, actually I don’t have any choices left. So…” pagtatapat ko.

“Ganun? Well, fine.” pagsangayon niya. “What do you mean fine?” nawi- wirduhan kong tanong. “Payag ako na maging partner ka. Kailan natin gagawin ang project?”

"Hmm, lets see. How about Friday?”

“Night? What time? My place?”

“NO! Should be afternoon lunch time! Sa library! Okay? So, see yah na lang!”
Jake Constal

“Hi Jake!” bati sa akin ni Shaina.
“O Shaina, anong balita?” bati ko naman sa kanya. Kasalukuyan akong nagbabasa ng History book dahil magkakaroon kami ng exam mamaya at wala na akong oras. Sa makalawa na ang acquaintance party at wala na akong oras para gawin ang iba pang mga bagay. Magkaganun pa man, sinubukan kong itago ang pagkairita ko kay Shaina. Nitong mga nearing araw kasi, para siyang plantsa kung makahabol sa isang di plantation damit.
“Sabi mo sabay tayong maglu- lunch?” aniya. Sa totoo lang, tingin ko masyadong ko na siyang pinapaasa. Noong bakasyon kasi nasabi ko na gusto ko siya pero as in gusto ko lang. I am not in love with her pero sa tingin ko she have been expecting something from me.
“Oo nga, kaso kasi may exam-”
“Ay oo nga pala no, gusto mo review kita?” yaya niya.
“Uhm, okay.” tanging nasagot ko.

1 comment:

  1. kung aq kay mart manliligaw nlng aq ng magkalamanan na...^o^

    ReplyDelete